Gabay sa Editor
- Responsable ang editor sa paunang pagsusuri at ebalwasyon ng lahat ng manuskritong isinusumite sa journal.
- Ang pagpapasya hinggil sa pagtanggap, pagrerebisa, o pagtanggi sa manuskrito ay nakabatay sa iskolarling halaga, metodolohiya, ambag sa larangan, at pagiging angkop nito sa layunin at saklaw ng journal.
- Tinitiyak ng editor na ang bawat manuskrito ay sumusunod sa mga pamantayang etikal sa pananaliksik at akademikong pagsulat.
- Isinasagawa ang pagsusuri sa mga manuskrito nang obhetibo, patas, at walang kinikilingan anuman ang institusyon, kasarian, paniniwala, o personal na ugnayan ng may-akda.
- Pinananatili ng editor ang pagiging kumpidensiyal ng buong prosesong editoryal, kabilang ang pagkakakilanlan ng mga awtor at tagasuri, gayundin ang nilalaman ng mga isinumiteng manuskrito.
- Iniiwasan ng editor ang anumang sitwasyon ng pagsasalungatan ng interes (conflict of interest) kaugnay ng sinusuring manuskrito.
- Pinangangalagaan ng editor ang mataas na pamantayan sa kalidad ng mga nailalathalang manuskrito sa pamamagitan ng masusing proseso ng pagsusuri at rebisyon.
- Masusing sinusuri ng editor ang bawat manuskrito upang matukoy ang anumang anyo ng plagyarismo, manipulasyon o pagbabago sa datos, dobleng publikasyon, at iba pang paglabag sa etikal na paglalathala.
- Tinitiyak ng editor na ang lahat ng tinatanggap na artikulo ay naaayon sa saklaw, pokus, at pamantayan ng journal.
- Tinitiyak din ng editor na ang mga artikulo ay sumusunod sa karaniwang pormat na IMRAD (Introduksyonn, Metodolohiya, Resulta, at Diskusyon), maliban sa mga akdang may natatanging katangian o alternatibong estruktura na kinikilala at tinatanggap ng journal.







