Preliminaryong Ponolohikal na Deskripsyon ng mga Ponemang Segmental ng Wikang Surigaonon

Authors

  • Rihan P. Nasser Mindanao State University- Main Campus Author
  • Naima A. Macatanong Mindanao State University- Main Campus Author
  • Basma B. Salic Mindanao State University- Main Campus Author
  • Hafida H.Abdulfatah Mindanao State University- Main Campus Author
  • Aliah M. Acmad Mindanao State University- Main Campus Author

Keywords:

Ponolohiya, Ponemang segmental, Wikang Surigaonon, PRAAT, Vowel space

Abstract

Layunin ng pag-aaral na ito na makapaglahad ng isang preliminaryong ponolohikal na deskripsyon ng mga ponemang segmental ng wikang Surigaonon, partikular sa tatlong barayti nito: Surigaonon ng Surigao del Sur, Surigao del Norte, at Agusan. Tinukoy sa pananaliksik ang ponetik na katangian at distribusyon ng mga segmental na ponema, kabilang ang konsonant, vawel, at glide ng wikang Surigaonon. Ginamit ang 500 wordlist mula sa Department of Linguistics ng University of the Philippines-Diliman bilang pangunahing elisitasyong materyal sa pagkalap ng datos at nagsagawa ng panayam sa mga piling neytib ispiker na kumakatawan sa bawat barayti. Upang matiyak ang siyentipikong pagsusuri, ginamit ang software na PRAAT para sa pag-aanalisa ng akustik at ponetik na katangian partikular ng vowel space ng mga ponemang vawel ng Surigaonon. Lumitaw sa paunang pagsusuri na bagama’t nagbabahagi ng magkakatulad na ponolohikal na estruktura ang tatlong barayti ng Surigaonon, ipinakikita rin ng datos ang ilang natatanging ponetikong katangian na nagiging batayan ng pagkakakilanlan ng bawat barayti. Ipinapakita nito na ang Surigaonon, bilang wikang may malawak na heograpikong saklaw, ay nagtataglay ng ponolohikal na baryasyon na mahalagang maidokumento para sa lalong malalim na pag-unawa sa daynamiks at development ng mga wika sa Visayan Subgroup na sinasalita sa Mindanao. Ang pagaaral na ito ay nagsisilbing paunang hakbang tungo sa mas malawak na singkronikong deskripsyon o di kaya’y komparatibong analisis sa ponolohiya ng wikang Surigaonon.

Published

2026-08-07

How to Cite

Preliminaryong Ponolohikal na Deskripsyon ng mga Ponemang Segmental ng Wikang Surigaonon. (2026). Sindaw Journal, 1(1), 1-14. https://sindawjournal.org/index.php/sj/article/view/21