Sintaktikong Istruktura ng Idyomang Meranaw: Isang Analisis

Authors

  • Mansawi D. Obinay Mindanao State University- Main Campus Author

Keywords:

Wikang Meranaw, Idyomang Meranaw, Sintaks, Semantika, Constraint

Abstract

Layunin ng di na ito na mailarawan at masuri ang sintaktikong istruktura ng mga idyomang Meranaw at matukoy ang mga sintaktikong limitasyon (constraints) ng mga ito batay sa balangkas nina Espinal at Mateu (2019). Ginamit ang deskriptibong kwalitatibong disenyo sa pamamagitan ng semantic content analysis. Ang mga datos ay nagmula sa apat na piling nakalimbag na aklat at babasahing pampanitikan sa wikang Meranaw. Mula sa 100 natukoy na idyoma, 93 ang napatunayang balido sa pamamagitan ng balidasyon ng tatlong taal na tagapagsalita ng wikang Meranaw, at 58 ang tumugma sa pamantayan ng pag-aaral bilang pinal na korpus. Isinailalim ang mga ito sa pagsusuri upang matukoy ang kakayahan nilang sumailalim sa mga pagbabagong sintaktiko tulad ng paglalapi, pagbabago ng aspekto ng pandiwa, paggamit ng mga marker, panghalip, modifier, at pagbabago ng ayos ng mga sangkap nang hindi nawawala ang kanilang idyomatikong kahulugan. Lumabas sa pagsusuri na ang mga idyomang Meranaw ay nahahati sa limang uri: quasi-idioms, phrasal idioms, clausal idioms, idiomatic phrases, at idiomatically combining expressions. Natuklasan ding ang ilang idyoma ay nagpapakita ng sintaktikong fleksibilidad habang ang iba ay may mahigpit na limitasyon sa paggamit ng mga marker at pagbabago ng istruktura upang mapanatili ang kanilang di-komposisyonal na kahulugan. Ipinakikita ng pag-aaral na ang mga idyomang Meranaw ay hindi lamang mahalagang yunit ng wika kundi salamin din ng kultura at pananaw ng mga Meranaw, kaya't nakapag-aambag ito sa dokumentasyon ng wikang Meranaw at sa pagpapalawak ng pag-aaral sa sintaks at idyomatikong pagpapahayag ng mga katutubong wika sa Pilipinas.

Downloads

Published

2026-08-07

How to Cite

Sintaktikong Istruktura ng Idyomang Meranaw: Isang Analisis. (2026). Sindaw Journal, 1(1), 15-26. https://sindawjournal.org/index.php/sj/article/view/22