Kapatay: Mga Paniniwala at Tradisyon ng mga Meranaw sa Kamatayan na Masasalamin sa Darangen

Authors

  • Jamima S. Ampuan Mindanao State University- Main Campus Author

Keywords:

Paglibing, Darangen, Meranaw, Kultura, etnoepiko

Abstract

Kapatay o ang kamatayan ay itinuturing na huling yugto ng buhay ng tao. Subalit, hindi ito ang katapusan ng pagalala ng mga naiwang mahal sa buhay kundi ang simula ng kanilang patuloy na paggunita sa yumao. Ang paniniwala at tradisyong ito ay masasalamin sa panitikan na nagsisilbing tagapag-ingat ng kaalaman at kaugaliang sinusunod ng mga sinaunang pamayanan. Sa kontekstong ito, mahalagang pag-aralan ang unang tomo ng Darangen sapagkat dito nasasalamin ang ilan sa mga sinaunang paniniwala at tradisyon ng mga Meranaw tungkol sa kamatayan at sa mga prosesong kaugnay nito. Bilang isang etnoepiko, ang Darangen ay naglalaman ng mayamang kultura, kasaysayan, at identidad ng mga Meranaw na mahalagang maitala at mapanatili. Gumamit ang pag-aaral ng deskriptibong pamamaraan at kwalitatibong pananaliksik upang masuri ang mga paniniwala at tradisyong nakapaloob sa etnoepikong ito. Lumitaw sa pagsusuri ang ilang mahahalagang kaugaliang may kaugnayan sa kamatayan, tulad ng kapagamanat, kagorawk sa mayt, kapamakitokaw, mapoti a dinis, kapamagawida, kapamitogawii, at katomapenay sa tamok Ang mga kaugaliang ito ay nagpapakita ng pananaw ng mga Meranaw tungkol sa buhay, kamatayan, at pakikisalamuha sa mga yumao. Bagama’t ang ilan sa mga tradisyong ito ay patuloy pa ring isinasagawa sa kasalukuyan, may mga pagbabagong naganap bunga ng impluwensiya ng relihiyon at modernisasyon. Gayunpaman, nananatiling mahalaga ang pag-aaral ng mga ito sapagkat nakatutulong ito sa pagtatala, pagpreserba, at pagpapayaman ng panitikang Pilipino. Higit sa lahat, binibigyang-diin nito ang yaman ng kulturang Meranaw na nararapat pang malinang, mapagaralan, at maibahagi sa mas malawak na komunidad upang mapanatili ang mahalagang bahagi ng pamanang kultural ng Pilipinas

Published

2026-08-07

How to Cite

Kapatay: Mga Paniniwala at Tradisyon ng mga Meranaw sa Kamatayan na Masasalamin sa Darangen. (2026). Sindaw Journal, 1(1), 49-58. https://sindawjournal.org/index.php/sj/article/view/25