Di-Islamiko: Ang Tradisyonal na Kanggawii ng mga Meranaw at ang Saysay nito

Authors

  • Marjan M. Camama Mindanao State University- Main Campus Author
  • Jumaila C. Watamama Mindanao State University- Main Campus Author

Keywords:

Pre-Islamic, Di-Islamiko, Tradisyonal, Kanggawii, Meranaw

Abstract

Layunin ng papel na itong ipakilala ang tribong Meranaw sa konteksto ng panahong pre-islamic - mas kilala sa tawag na, "Panahon ng Jahiliyya o Panahon ng Kamangmangan" - na nagbunga ng maraming kaugalian hinggil sa mga nauna o tradisyonal na paniniwala ng tribong ito hanggang sa panahon ng pananakop ng mga banyaga at maging sa kontemporaryong panahon na magpapakita sa kahalagahan ng usaping paglilibing o Kanggawii. Taliwas man sa relihiyong Islam, na kasalukuyang relihiyon ng mga Meranaw, ang pagsasagawa sa mga kaugaliang ito na labas sa mga alituntuning nakasaad sa Qur'an, dahil sa pasalin-saling tradisyon ng mga nakatatanda kaya naipapasa ito sa bawat henerasyon. Mahalaga ang pagsasagawa ng Kanggawii dahil ito ang paghahatid ng mga naulilang pamilya sa namatay nilang kaanak sa huling hantungan nito bago pumasok sa buhay na walang hanggang o life after death. Sinisimbolo nito hindi lamang ang yamang mayroon ang kulturang Meranaw kundi ang katayuan sa buhay ng pamilya ng namatay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga prosesyon ng Kanggawii tulad ng Kambayoka, Karawatib, Kandiyaga, Katibaw, Katatabanga, Tarkin at Kandowali. Ito ang identidad na nagpapakilala sa mga Meranaw

Published

2026-08-07

How to Cite

Di-Islamiko: Ang Tradisyonal na Kanggawii ng mga Meranaw at ang Saysay nito. (2026). Sindaw Journal, 1(1), 59-68. https://sindawjournal.org/index.php/sj/article/view/26