Danas at Lakas ng Kababaihan sa mga Piling Sanaysay: Isang Pagpapahalaga

Authors

  • Norhanie S. Ibrahim Mindanao State University- Main Campus Author
  • Almayrah A. Tiburon Mindanao State University- Main Campus Author

Keywords:

kababaihan, danas, lakas, Sosyalistang Feminismo, panitikang kababaihan

Abstract

Sinuri sa pag-aaral na ito ang danas at lakas ng kababaihan na masasalamin sa sampung piling sanaysay mula sa mga antolohiyang Danas: Mga Pag-aakda ng Babae Ngayon, Laoanen 1: Kababaihan, Digmaan, Kapayapaan, at Lawanen 2: Mga Alaala ng Pagkubkob, Mga Haraya ng Pag-igpaw. Nilalayon nitong tukuyin ang mga pangunahing danas ng kababaihan, ang kanilang mga paraan ng pagtugon sa mga hamon ng buhay, at kung paano binabago ng mga karanasang ito ang konsepto ng kababaihan sa lipunang Pilipino. Ginamit sa pag-aaral ang deskriptibo-kwalitatibong disenyo at pagsusuring pangnilalaman. Inilapat ang Sosyalistang Feminismo upang mailantad ang mga anyo ng opresyong nakaugat sa patriyarkiya at kalagayang sosyo-ekonomiko, habang ginamit ang Stimulus-Response Framework nina Watson at Skinner upang maipaliwanag ang mga tugon at katatagan ng kababaihan sa gitna ng mga pagsubok. Lumitaw sa pagsusuri na ang mga kababaihan sa mga sanaysay ay nakaranas ng iba’t ibang anyo ng kahirapan, diskriminasyon, sekswal na pang-aabuso, digmaan, sapilitang paglikas, at marginalisasyon. Gayunman, ipinakita rin ng mga akda ang kanilang kakayahang lumaban, magpahayag, magsulat, maghanapbuhay, magtaguyod ng pamilya, at manindigan para sa kanilang karapatan at dignidad. Ipinakikita ng pag-aaral na ang kababaihan ay hindi lamang mga biktima ng mga umiiral na suliraning panlipunan kundi mga aktibong ahente ng pagbabago. Sa pamamagitan ng kanilang mga salaysay, nabubuo ang mas malalim na pag-unawa sa kababaihan bilang mahalagang puwersa ng katatagan, pagbangon, at panlipunang transpormasyon.

Published

2026-08-07

How to Cite

Danas at Lakas ng Kababaihan sa mga Piling Sanaysay: Isang Pagpapahalaga. (2026). Sindaw Journal, 1(1), 69-78. https://sindawjournal.org/index.php/sj/article/view/27