Wikang GenZ: Impluwensiya sa kakayahang Pagpapahayag at Pag-unawa sa Junior High School

Authors

  • CJ Ann D. Bala Mindanao State University- Main Campus Author
  • Alican M. Pandapatan Mindanao State University- Main Campus Author

Keywords:

Wikang GenZ, kakayahan, pagpapahayag, pag-unawa, akademikong pagkatuto

Abstract

Ang patuloy na pagbabago sa wika at kultura ng mga kabataan, partikular ang paggamit ng wikang GenZ, ay may malalim na impluwensya sa kanilang kakayahan sa komunikasyon at pagkatuto. Gumamit ng deskriptibong metodolohiya upang masuri ang mga terminolohiyang GenZ at ang kanilang epekto sa komunikasyon at pagkatuto sa pag-aaral na ito. Ang mga resulta ng pagaaral ay nagpakita ng aspeto ng impluwensiya ng wikang GenZ: Una, ito ay nagsisilbing kasangkapan sa pagpapahayag ng sarili at pagbuo ng koneksyon sa mga kamag-aral, ngunit nagiging hadlang din ito sa mas pormal na komunikasyon at akademikong pagkatuto. Natukoy na ang paggamit ng impormal na wika ay nagdudulot ng hadlang at limitadong pag-unawa sa mas teknikal at akademikong mga konsepto. Napag-alaman na ang mga guro at mag-aaral ay kailangan magtulungan upang mapanatili ang balanse sa paggamit ng modernong wika at pormal na wika sa mga asignatura, na siyang tulay ng maayos ng paghahatid ng ideya ng guro at pag-unawa ng mag-aaral.

Published

2026-08-07

How to Cite

Wikang GenZ: Impluwensiya sa kakayahang Pagpapahayag at Pag-unawa sa Junior High School. (2026). Sindaw Journal, 1(1), 91-102. https://sindawjournal.org/index.php/sj/article/view/29