Intrasentential Code-Switching sa Klasrum: Kalakasan at Kahinaan sa Pagkatuto ng Wika ng mga Mag-Aaral

Authors

  • Farhanie C. Panambulan Mindanao State University- Main Campus Author
  • Amierah A. Rangiris Mindanao State University- Main Campus Author

Keywords:

Intrasentential code-switching, kalakasan, kahinaan, Pagkatuto ng wika

Abstract

Ang pagiging bilingual o multilingual ang nagiging dahilan nang pagkakaroon ng code-switching. Ang code-switching ay kadalasang nangyayari sa isang lugar na kung saan ang mga ispiker ay may kakayahang magpalit ng dalawang magkaibang wika sa isang pangungusap o parirala. Ang code-switching ay karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral, maraming pag-aaral ang naisagawa ukol dito, ngunit nananatiling limitado ang mga pag-aaral sa mga dahilan ng paggamit ng code-switching at hindi sa mga uri nito. Layunin ng pananaliksik na ito na alamin ang mga kalakasan at kahinaan ng paggamit ng intrasentential codeswitching sa loob ng klasrum. Gayundin, ang implikasyon nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral mula sa ikasampung baitang mula sa isang pampublikong paaralan. Gumamit ang mga mananaliksik ng sarbey kwestiyoneyr na hango sa iba’t ibang mga pag-aaral. May bilang na dalawang daan at labindalawa (212) ang naging respondente ng mga mananaliksik. Natuklasan sa pag-aaral na ang intasentential code-switching na madalas ginagamit ng mga mag-aaral mula sa ikasampung baitang ay Filipino- Meranaw. Sumunod dito ang Filipino-English. Ang mga mag-aaral ay positibong tumatanggap sa paggamit ng codeswitching bilang kasangkapan sa pag-aaral. Sa huli, iminumungkahi ng mga mananaliksik ang paggamit ng anumang uri ng intrasentential code-switching sa pagtalakay ng mga mag-aaral sa kanilang klase kung ito ay nakatutulong upang mas maunawaan nila ang kanilang paksang aralin.

Published

2026-08-07

How to Cite

Intrasentential Code-Switching sa Klasrum: Kalakasan at Kahinaan sa Pagkatuto ng Wika ng mga Mag-Aaral. (2026). Sindaw Journal, 1(1), 103-114. https://sindawjournal.org/index.php/sj/article/view/30